Mga Gawa 17:5-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Subalit dahil sa inggit, nagsama ang mga Judio ng ilang masasamang tao mula sa pamilihan at nang makapagtipon sila ng maraming tao ay nanggulo sa lungsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason at hinahanap sina Pablo at Silas, sa kagustuhang maiharap ang mga ito sa mga tao. 6 Nang hindi nila natagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ang ilang kapatid sa harap ng mga pinuno ng lungsod, habang sumisigaw ng ganito, “Napasok ang ating lungsod ng mga taong lumikha ng gulo saan man makarating![a] 7 Pinatuloy sila ni Jason sa kanyang tahanan. Lahat sila ay lumalabag sa mga utos ng Emperador, at sinasabi nilang may ibang hari na ang pangalan ay Jesus!” 8 Naligalig ang maraming tao at ang mga pinuno ng lungsod nang marinig nila ang sigawang ito. 9 Pinagpiyansa nila si Jason at ang kanyang mga kasama bago sila pinakawalan.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 17:6 lumilikha ng gulo...makarating. Sa Griyego binabaligtad ang mundo.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.