Add parallel Print Page Options

11 Kaya't huwag siyang hamakin ng sinuman. Mapayapa ninyo siyang ihatid sa kanyang paglalakbay upang makabalik siya sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.

12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, nakiusap akong mabuti sa kanya na puntahan kayo kasama ng ibang mga kapatid. Wala pa siyang balak na pumunta riyan ngayon. Ngunit darating siya kapag nagkaroon na siya ng pagkakataon.

Pagwawakas at Pagbati

13 Magbantay kayo, manindigan kayo sa pananampalataya, magpakatapang kayo, magpakatatag kayo.

Read full chapter