Add parallel Print Page Options

22 Sino ang sinungaling? Siya na tumatangging si Jesus ang Mesiyas. Ang tumatanggi sa Ama at sa Anak, siya ay anticristo. 23 Ang bawat isang tumatanggi sa Anak ay wala rin naman sa kaniya ang Ama. 24 Kaya nga, ang mga bagay na inyong narinig buhat pa sa pasimula ay manatili nga sa inyo. Kung ang inyong narinig buhat pa sa pasimula ay nananatili sa inyo ay mananatili rin kayo sa Anak at sa Ama.

Read full chapter