1 Samuel 1:15
Ang Biblia (1978)
15 At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, ako'y isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, (A)kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Awit 42:4
Ang Biblia (1978)
4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (A)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(B)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (C)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
Mga Panaghoy 2:19
Ang Biblia (1978)
19 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng (A)mga pagpupuyat;
(B)Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon:
Igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng (C)iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978