Add parallel Print Page Options

Yamang binuhay(A) kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian.

Ang Dati at Bagong Buhay

Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya].[a] Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.

Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. Huwag(B) kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot(C) ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.

12 Kaya(D) nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya(E) kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.[b] 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. 16 Ang(F) salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Ang Pagsasamahang Nararapat

18 Mga(G) babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon.

19 Mga(H) lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.

20 Mga(I) anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.

21 Mga(J) magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.

22 Mga(K) alipin, sa lahat ng bagay ay sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa. May nakakakita man o wala, maglingkod kayo hindi upang kalugdan lamang ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot sa Panginoon. 23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. 24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo. 25 Ang(L) mga gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanilang ginawa, sapagkat ang Diyos ay walang kinikilingan.

Footnotes

  1. Colosas 3:6 ang mga taong ayaw pasakop sa kanya: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  2. Colosas 3:13 ng Panginoon: Sa ibang manuskrito'y ni Cristo, at sa iba pang manuskrito'y ng Diyos kay Cristo .

Ang Bagong Buhay kay Cristo

Kaya't (A) yamang kayo'y muling binuhay na kasama ni Cristo, pakanasain ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Pag-ukulan ninyo ng pansin ang mga bagay na makalangit at hindi ang mga bagay na makalupa, sapagkat kayo'y namatay na, at ang buhay ninyo kay Cristo ay itinatago ng Diyos. Kapag si Cristo na inyong[a] buhay ay nahayag na, kayo ay mahahayag ding kasama niya sa kaluwalhatian.

Kaya't patayin ninyo ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa lupa: ang pakikiapid, kahalayan, kapusukan, masamang pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. Dahil sa mga ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga suwail na anak.[b] Ganitong mga landas ang tinatahak ninyo noon, nang kayo'y namumuhay pa sa mga ito. Ngunit ngayon ay talikuran ninyo ang mga bagay tulad ng poot, galit, maruruming pag-iisip, paninirang-puri, at mahalay na pananalita mula sa inyong bibig. Huwag (B) kayong magsinungaling sa isa't isa, yamang hinubad na ninyo ang lumang pagkatao kasama ang mga gawain nito, 10 at (C) kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao, na patuloy na ginagawang bago tungo sa kaalaman ayon sa larawan ng lumikha sa bagong pagkatao. 11 Dito'y wala nang pagkakaiba ang Griyego at Judio, tuli at di-tuli, barbaro, Scita, alipin, at malaya. Sa halip, si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat at nasa lahat!

12 Kaya't bilang (D) mga pinili ng Diyos, mga banal at minamahal, isuot ninyo sa inyong pagkatao ang pagkamahabagin, kabaitan, kababaang-loob, kaamuan, at tiyaga. 13 Magparaya kayo (E) sa isa't isa, at kung ang sinuman ay may sama ng loob sa kanino man, magpatawad kayo sa isa't isa. Magpatawad kayo kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pag-ibig na siyang nagbubuklod sa lahat sa lubos na pagkakaisa. 15 At hayaan ninyong maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na siyang dahilan kaya't tinawag kayo sa isang katawan. At kayo'y maging mapagpasalamat. 16 Manirahan (F) nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo. Kalakip ang buong karunungan ay turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo, ng mga himno at ng mga awiting espirituwal, habang umaawit kayo na may pasasalamat sa Diyos sa inyong mga puso. 17 At anuman ang inyong gagawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, kalakip ang pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.

Mga Tagubilin sa mga Pamilyang Cristiano

18 Mga (G) babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong asawa, na siya namang nararapat sa Panginoon. 19 Mga (H) lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila. 20 Mga (I) anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y kasiya-siya sa Panginoon. 21 Mga ama, (J) huwag ninyong itulak sa galit ang inyong mga anak upang hindi sila panghinaan ng loob. 22 Mga (K) alipin, sa lahat ng bagay ay sumunod kayo sa inyong mga panginoon dito sa lupa. Buong puso kayong maglingkod; hindi lamang kapag sila'y nakatingin. Gawin ninyo ito nang may takot sa Panginoon upang magbigay-kasiyahan sa tao. 23 Anuman ang inyong gagawin ay buong puso ninyong gawin, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao; 24 yamang alam ninyo na tatanggap kayo mula sa Panginoon ng pamana bilang gantimpala. Sa Panginoong Jesu-Cristo kayo naglilingkod. 25 Sapagkat (L) ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng kaukulang ganti sa kasamaang ginawa niya; pantay-pantay ang lahat sa bagay na ito.

Footnotes

  1. Colosas 3:4 Sa ibang mga manuskrito ating.
  2. Colosas 3:6 Sa ibang mga kasulatan walang mga suwail na anak.