Add parallel Print Page Options

11 Binabati rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justo. Sila ay mga nasa pagtutuli at sila lamang ang mga kamanggagawa ko para sa paghahari ng Diyos at sila ay kaaliwan sa akin. 12 Binabati rin kayo ni Epafras na isa sa inyo. Siya ay isang alipin ni Cristo na laging nananalangin ng mataimtim para sa inyo upang kayo ay maging ganap at lubos sa lahat ng kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa kasigasigan niya para sa inyo at sa mga taga-Laodicea at sa mga taga-Hierapolis.

Read full chapter