Add parallel Print Page Options

15 Subalit (A) ayon sa kagandahang-loob ng Diyos ay hinirang niya akong maglingkod sa kanya bago pa ako isinilang. At nang minarapat na niyang 16 ipahayag ang kanyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. 17 Hindi rin ako kaagad nagtungo sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco.

Read full chapter