Add parallel Print Page Options

41 Pagkatapos, gumawa sila ng dios-diosang kaanyo ng guya.[a] Naghandog sila rito, at ipinagdiwang nila ang gawa ng sarili nilang mga kamay. 42 Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Dios at hinayaan na lang na sumamba sa mga bituin sa langit. Ganito ang isinulat ng mga propeta:

    ‘Kayong mga Israelita, naghandog kayo ng ibaʼt ibang uri ng handog sa loob ng 40 taon doon sa disyerto.
    Ngunit hindi ako ang inyong pinaghandugan.
43 Dala-dala pa ninyo ang tolda ng inyong dios-diosan na si Molec,
    at ang bituing imahen ng inyong dios-diosang si Refan.
    Ginawa ninyo ang mga iyon upang sambahin.
    Kaya itataboy ko kayo sa kabila pa ng Babilonia.’ ”

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:41 guya: sa Ingles, “calf.”