Genesis 32:30
Ang Biblia (1978)
30 At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel; (A)sapagka't aniya'y nakita ko ang Dios ng mukhaan, at naligtas ang aking buhay.
Read full chapter
Deuteronomio 5:24
Ang Biblia (1978)
24 At inyong sinabi, Narito, ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan, at aming narinig ang (A)kaniyang tinig mula sa gitna ng apoy: aming nakita sa araw na ito, na ang Dios ay nakikipag-usap sa tao, at siya'y (B)buháy.
Read full chapter
Mga Hukom 6:22
Ang Biblia (1978)
22 At (A)nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon; at sinabi ni Gedeon, Aba, Oh Panginoon Dios! (B)sapagka't aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan.
Read full chapter
Mga Hukom 13:22
Ang Biblia (1978)
22 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, (A)Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios.
Read full chapter
Isaias 6:5
Ang Biblia (1978)
5 (A)Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't (B)nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapter
Apocalipsis 1:16-17
Ang Biblia (1978)
16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
17 At (A)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (B)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (C)ako'y ang una at ang huli,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978