Isaias 52:1
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ililigtas ng Diyos ang Jerusalem
52 Gumising(A) ka Jerusalem, magpanibagong-lakas ka!
O banal na lunsod, muli mong isuot ang mamahalin mong kasuotan,
sapagkat mula ngayon ay hindi na makakapasok diyan ang mga hindi kumikilala sa Diyos.
Isaias 61:3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion,
kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian,
awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan;
matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh,
na ginagawa kung ano ang makatuwiran,
at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.
Isaias 61:10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Buong(A) puso akong nagagalak kay Yahweh.
Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran,
gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak,
gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.
Pahayag 21:2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 At(A) nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa.
Read full chapter