Jeremias 23:3
Ang Biblia (1978)
3 At (A)aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.
Read full chapter
Jeremias 23:8
Ang Biblia (1978)
8 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.
Read full chapter
Jeremias 30:3
Ang Biblia (1978)
3 Sapagka't, narito, ang mga araw ay (A)dumarating, sabi ng Panginoon na (B)aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang (C)Israel at Juda, sabi ng Panginoon, (D)at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin.
Read full chapter
Jeremias 32:37
Ang Biblia (1978)
37 Narito, (A)aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978