Jeremias 23:4-5
Ang Biblia (1978)
4 At ako'y maglalagay ng mga (A)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (B)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (C)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (D)kahatulan at kaganapan sa lupain.
Read full chapter
Ezekiel 37:24-25
Ang Biblia (1978)
Si David ang magiging kanilang hari.
24 At ang aking lingkod na si David ay (A)magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.
25 At (B)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (C)magpakailan man: at si David na (D)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.
Read full chapter
Juan 10:11
Ang Biblia (1978)
11 Ako ang mabuting pastor: (A)ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978