Add parallel Print Page Options

Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos

25 Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita:

2 “Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang;
    naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan.
3 Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang,
lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan.
4 Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos?
    Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos?
5 Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning,
    at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin.
6 Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod,
    may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?”