Add parallel Print Page Options

Ang Handog ng Babaing Balo(A)

21 Nang tumingala siya, nakita niya ang mayayaman na naglalagay ng kanilang handog sa kabang-yaman ng templo. Nakita rin niya ang isang mahirap na babaing balo na nag-alay ng dalawang kusing, kaya't sinabi niya, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo: ang mahirap na babaing balong iyon ang nag-alay ng higit sa ihinandog ng lahat. Sapagkat lahat sila'y naghandog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit ang babaing ito, kahit sa kanyang kahirapan ay nag-alay ng buo niyang ikinabubuhay.”

Read full chapter

21 At siya'y tumunghay, at (A)nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabang-yaman.

At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng (B)dalawang lepta.

At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.

Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.

Read full chapter