Add parallel Print Page Options

Nang malaman niya na ang taong ito ay sakop ni Herodes, ipinadala niya ito kay Herodes, na nasa Jerusalem nang mga araw na iyon. Tuwang-tuwa si Herodes nang makita si Jesus, sapagkat matagal na niyang nais na makita ito dahil sa mga narinig niya tungkol dito. Umaasa rin siyang makakita ng himalang gagawin ni Jesus. Marami siyang itinanong dito, ngunit hindi sumagot si Jesus. 10 Nakatayo roon ang mga punong pari at tagapagturo ng Kautusan na walang tigil sa pagbibintang kay Jesus. 11 Kinutya siya at hinamak ni Herodes kasama ng mga kawal nito. Dinamitan siya ng magagandang kasuotan at pagkatapos ay ibinalik kay Pilato.

Read full chapter

Iniharap si Jesus kay Pilato(A)

27 Kinaumagahan, ang lahat ng mga punong pari at ang matatandang pinuno ng bayan ay nagsanggunian kung paano maipapapatay si Jesus. Siya'y ginapos nila, dinala sa labas, at iniharap sa gobernador na si Pilato.

Read full chapter

Si Jesus sa Harapan ni Pilato(A)

15 Pagsapit ng umaga'y nagsabwatan ang mga punong pari kasama ang matatanda ng bayan, mga tagapagturo ng Kautusan at ang buong Sanhedrin. Iginapos nila si Jesus, inilabas at ibinigay kay Pilato.

Read full chapter

Si Jesus sa Harapan ni Pilato(A)

23 Tumindig ang buong kapulungan at dinala si Jesus kay Pilato.

Read full chapter

Si Jesus sa Harap ni Pilato(A)

28 Mula kay Caifas, dinala si Jesus sa punong-himpilan ni Pilato. Madaling araw noon at hindi sila pumasok sa punong-himpilan upang maiwasang maging marumi ayon sa kautusan at hindi maituring na di karapat-dapat kumain ng kordero ng Paskuwa. 29 Lumabas si Pilato at sinabi sa kanila, “Ano'ng paratang ninyo laban sa taong ito?”

Read full chapter