Add parallel Print Page Options

18 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Nakita kong nahulog si Satanas mula sa langit na parang kidlat. 19 Binigyan ko kayo ng kapangyarihang daigin ang masasamang espiritu at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway nating si Satanas.[a] At walang anumang makapipinsala sa inyo. 20 Ganoon pa man, huwag kayong matuwa dahil napapasunod ninyo ang masasamang espiritu kundi matuwa kayo dahil nakasulat sa langit ang pangalan ninyo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:19 sa literal, Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway.