Add parallel Print Page Options

32 Ang mga lalaki sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng lahing ito at hahatulan nila ang lahing ito, sapagkatang mga lalaki ng Nineve ay nagsisi dahil sa pangangaral ni Jonas. Narito, isang lalong higit kaysa kay Jonas ay naririto na.

Ang Ilaw ng Katawan

33 Walang sinumang nagsindi ng ilawan na pagkasindi nito ay ilalagay sa lihim na dako, o sa ilalim ng takalan. Sa halip, ito ay inilalagay sa lagayan ng ilawan upang ang liwanag ay makita ng mga pumapasok.

34 Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya nga, kung malinaw ang mata mo, ang buong katawan mo ay naliliwanagan. Kung ito rin naman ay masama, ang katawan mo ay madidimlan din.

Read full chapter