Add parallel Print Page Options

36 Maging maawain kayo tulad ng inyong Ama.”

Huwag Husgahan ang Kapwa(A)

37 “Huwag ninyong husgahan ang iba, upang hindi rin kayo husgahan ng Dios. Huwag kayong magsabi na dapat silang parusahan ng Dios, upang hindi rin niya kayo parusahan. Magpatawad kayo, upang patawarin din kayo ng Dios. 38 Magbigay kayo, upang bigyan din kayo ng Dios. Ibabalik sa inyo nang sobra-sobra at umaapaw ang ibinigay ninyo. Sapagkat kung paano kayo magbigay sa iba, ganoon din ang pagbibigay ng Dios sa inyo.”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:38 Sapagkat … sa inyo: sa literal, Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo.