Add parallel Print Page Options

Ang Tanong ni Jesus tungkol sa Anak ni David(A)

35 Habang nagtuturo si Jesus sa templo, nagtanong siya, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Cristo ay anak ni David? 36 Si (B) David mismo ang nagpahayag sa patnubay ng Banal na Espiritu,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.” ’

37 Mismong si David ay tumawag sa kanya na Panginoon, kaya't paano siya magiging anak ni David?” Masayang nakinig sa kanya ang napakaraming tao.

Read full chapter

Ang Tanong tungkol sa Anak ni David(A)

41 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Paano nila nasasabing ang Cristo ay anak ni David? 42 Gayong si David mismo ang nagsabi sa Aklat ng mga Awit,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
“Maupo ka sa aking kanan,
43     hanggang sa magawa kong tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.” ’

44 Tinawag siya ni David na Panginoon. Paano siya naging anak ni David?”

Read full chapter