Marcos 3:31-35
Ang Biblia (1978)
31 At (A)dumating nga ang kaniyang ina at ang (B)kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag.
32 At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya; at sinabi nila sa kaniya, Narito, nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka.
33 At sinagot niya sila, at sinabi, Sino ang aking ina at aking mga kapatid?
34 At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya, ay sinabi niya, Narito, ang aking ina at aking mga kapatid!
35 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina.
Read full chapter
Lucas 3:19-21
Ang Biblia (1978)
19 Datapuwa't si Herodes (A)na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,
20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.
21 Nangyari nga, (B)nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at (C)nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978