Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga ng Ubasan at mga Katiwala(A)

33 “Dinggin (B) ninyo ang isa pang talinghaga: May isang taong pinuno ng sambahayan, na nagtanim ng ubas sa kanyang bukirin, at binakuran niya ang palibot nito. Naglagay siya roon ng isang pisaan ng ubas at nagtayo ng isang toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at siya'y nangibang-bayan. 34 Nang malapit na ang panahon ng pamimitas ng bunga, pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa mga magsasaka upang kumuha ng mga bunga para sa kanya. 35 Subalit kinuha ng mga magsasaka ang kanyang mga alipin. Binugbog nila ang isa, pinatay ang iba, at pinagbabato ang isa pa. 36 Muli siyang nagpadala ng iba pang mga alipin na mas marami pa sa nauna; subalit ganoon din ang ginawa nila sa kanila. 37 Sa kahuli-hulihan ay pinapunta niya sa kanila ang kanyang anak na lalaki. Wika niya, ‘Igagalang nila ang aking anak.’ 38 Subalit nang makita ng mga magsasaka ang anak, sinabi nila sa isa't isa, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya nang makuha natin ang kanyang mana.’ 39 Kaya't siya'y kinuha nila, itinapon sa labas ng ubasan, at pinatay. 40 Kaya't pagdating ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang kanyang gagawin sa mga magsasakang iyon?” 41 Sinabi nila sa kanya, “Papatayin niya ang mga masasamang taong iyon sa kakila-kilabot na paraan at ang ubasan ay ipagkakatiwala niya sa ibang mga magsasaka na magbibigay sa kanya ng mga bunga sa mga takdang panahon.” 42 Sinabi (C) ni Jesus sa kanila, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa mga kasulatan,

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
    ang siyang naging batong panulukan;
Ito'y gawa ng Panginoon,
    at kahanga-hangang pagmasdan’?

43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ‘Aalisin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bansang nagbibigay ng mga bunga nito.’ 44 [Ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog, subalit dudurugin nito ang sinumang mabagsakan niya.]”[a]

45 Nang marinig ng mga punong pari at ng mga Fariseo ang kanyang mga talinghaga, naunawaan nilang tungkol sa kanila ang kanyang mga sinasabi. 46 At nang balak na sana nilang dakpin si Jesus, natakot sila sa napakaraming tao, sapagkat kinikilala nila na siya'y isang propeta.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 21:44 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.

33 Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: (A)May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at (B)humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.

34 At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.

35 At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila (C)ang isa, at (D)ang isa'y pinatay, at (E)ang isa'y binato.

36 Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.

37 Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.

38 Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito (F)ang tagapagmana; (G)halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.

39 At siya'y hinawakan nila, at (H)itinaboy (I)siya sa ubasan, at pinatay siya.

40 Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?

41 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, (J)at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan,

(K)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?

43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (L)Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.

44 At ang (M)mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.

45 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan.

46 (N)At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay (O)nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito (P)na siya'y propeta.

Read full chapter

Ang Talinghaga ng mga Magsasaka sa Ubasan(A)

At sinimulan niyang isalaysay ang talinghagang ito sa mga taong-bayan: “Isang tao ang nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Ipinagkatiwala niya iyon sa mga magsasaka at siya ay nangibang-bayan nang mahabang panahon. 10 Nang panahon na ng anihan, nagsugo siya ng alipin sa mga katiwala upang mabigyan siya ng parte niya mula sa ubasan. Ngunit binugbog ng mga katiwala ang kanyang sugo at pinauwing walang dala. 11 Muli siyang nagsugo ng isang alipin; ngunit ito man ay binugbog, hinamak, at pinauwing walang dala. 12 Ipinadala niya ang ikatlong sugo, ngunit kahit ito'y kanilang sinugatan at ipinagtabuyan. 13 Kaya't sinabi ng may-ari ng ubasan, ‘Ano ang gagawin ko? Isusugo ko ang aking mahal na anak. Baka naman siya'y igalang na nila.’ 14 Ngunit nang makita na ng mga katiwala ang anak ng may-ari, nag-usap-usap sila, at sinabi, ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’ 15 At inilabas nila sa ubasan ang anak at doon pinatay. Ano kaya ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan? 16 Pupunta siya doon at papatayin ang mga katiwalang ito, at ibibigay ang ubasan sa iba.” Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, “Huwag nawang loobin iyan ng Diyos!” 17 Tinitigan sila ni Jesus at tinanong, “Kung gayon, ano ang kahulugan nito na nasusulat:

‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo
    ang siyang naging batong-panulukan’?

18 Ang bawat mahulog sa batong ito ay magkakadurug-durog, at dudurugin nito ang sinumang kanyang mabagsakan.” 19 Nang mahalata ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga punong pari na sila ang pinatatamaan ng talinghagang iyon, tinangka nilang dakpin si Jesus, ngunit hindi nila nagawa dahil takót sila sa mga tao.

Read full chapter

At siya'y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito: (A)Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at ipinagkatiwala sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain na mahabang panahon.

10 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang siya'y bigyan ng bunga ng ubas: datapuwa't hinampas siya ng mga magsasaka, at pinauwing walang dala.

11 At nagsugo pa siya ng ibang alipin: at ito nama'y kanilang hinampas, at inalimura, at pinauwing walang dala.

12 At nagsugo pa siya ng ikatlo: at kanila ring sinugatan ito, at pinalayas.

13 At sinabi ng panginoon ng ubasan, Anong gagawin ko? aking susuguin ang minamahal kong anak; marahil siya'y igagalang nila.

14 Datapuwa't nang makita siya ng mga magsasaka, ay nangagsangusapan sila, na sinasabi, Ito ang tagapagmana; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin.

15 At itinaboy nila siya sa ubasan, at pinatay siya. Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?

16 Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. At nang marinig nila ito, ay sinabi nila, Huwag nawang mangyari.

17 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat,

(B)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali.
Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok?

18 Ang bawa't mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog; datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok.

19 At (C)pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila.

Read full chapter