Mateo 24:32-35
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Aral Mula sa Puno ng Igos(A)
32 “Ngayon ay matuto kayo ng aral mula sa puno ng igos: kapag malambot na ang sanga nito at sumisibol na ang mga dahon, nalalaman ninyong malapit na ang tag-init. 33 Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng mga pangyayaring ito, alam ninyong ito[a] ay malapit na, nasa may pintuan na. 34 Tinitiyak ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito, hanggang hindi nagaganap ang lahat ng mga ito. 35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit hindi kailanman lilipas ang aking mga salita.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 24:33 o siya.
Lucas 21:29-33
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Aral tungkol sa Puno ng Igos(A)
29 At isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga, “Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punongkahoy. 30 Kapag nagkakadahon na ang mga ito, nakikita ninyo at nalalaman ninyong malapit na ang tag-araw. 31 Gayundin naman kayo; kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, alam ninyong nalalapit na ang paghahari ng Diyos. 32 Tinitiyak ko sa inyo: hinding-hindi lilipas ang salinlahing ito hangga't hindi nagaganap ang lahat. 33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit hinding-hindi lilipas ang aking mga salita.”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.