Add parallel Print Page Options

Ang Huling Hapunan(A)

26 Habang sila'y kumakain, si Jesus ay kumuha ng tinapay, ipinagpasalamat niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad. Sinabi niya, “Kumuha kayo, kainin ninyo. Ito ang aking katawan.” 27 At kumuha siya ng kopa at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila, at sinabi, “Uminom kayo nito, lahat kayo, 28 sapagkat (B) ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos alang-alang sa marami, para sa kapatawaran ng mga kasalanan. 29 Sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang sa araw na iyon na iinumin kong panibago na kasama kayo sa kaharian ng aking Ama.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:28 Sa ibang mga manuskrito ay dugo ng bagong tipan.

Ang Hapunan ng Panginoon(A)

22 Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagputul-putol niya ang tinapay, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Tanggapin ninyo; ito ang aking katawan.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos, iniabot ito sa mga alagad at mula roon ay uminom silang lahat. 24 Sinabi (B) niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos para sa marami. 25 Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak mula sa katas ng ubas hanggang sa araw na iyon na uminom ako nang panibago sa kaharian ng Diyos.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 14:24 Sa ibang mga manuskrito bagong tipan.

Ang Hapunan ng Panginoon(A)

14 Nang sumapit na ang oras, dumulog si Jesus sa hapag na kasama ang mga apostol. 15 Sinabi niya sa kanila, “Matagal ko nang inaasam na makasalo kayo sa hapunang ito ng Paskuwa bago ako magdusa. 16 Sapagkat sinasabi ko sa inyong hinding-hindi na ako kakain nito hanggang maganap ito sa paghahari ng Diyos.” 17 At kumuha siya ng isang kopa, at matapos magpasalamat ay kanyang sinabi, “Kunin ninyo ito at pagsalu-saluhan. 18 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na mula ngayon, hinding-hindi na ako iinom ng katas ng ubas hanggang sa dumating ang paghahari ng Diyos.” 19 Dumampot siya ng tinapay, at matapos magpasalamat ay pinagputul-putol ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20 Matapos kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa, sinabi niya, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo na nabubuhos para sa inyo.

Read full chapter