Mateo 10:2-4
Ang Biblia (1978)
2 (A)Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon (B)na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si (C)Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;
3 Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si (D)Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;
4 Si Simon na Cananeo, (E)at si Judas (F)Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.
Read full chapter
Marcos 3:16-19
Ang Biblia (1978)
16 At (A)si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro;
17 At si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago; at sila'y pinamagatan niyang (B)Boanerges, na sa makatuwid baga'y mga Anak ng kulog:
18 At si Andres, at si Felipe, at si Bartolome, at si Mateo, at si Tomas, at si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo, at si Simon ang Cananeo,
19 At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay.
Read full chapter
Mga Gawa 1:13
Ang Biblia (1978)
13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (A)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (B)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978