Mateo 11:19
Ang Biblia (1978)
19 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang (A)kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! (B)At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.
Read full chapter
Mateo 13:55-57
Ang Biblia (1978)
55 (A)Hindi baga ito ang anak ng (B)anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at (C)Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang (D)kaniyang mga kapatid?
56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?
57 At siya'y (E)kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, (F)Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978