Add parallel Print Page Options

23 Ikaw naman Capernaum, itinaas ka hanggang sa langit, ibababa ka naman hanggang sa hades. Ito ay sapagkat kung ang mga himalang ginawa sa iyo ay sa Sodoma nangyari, mananatili sana iyon hanggang sa araw na ito. 24 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Lalong madali ang titiisin ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa ng sa inyo.

Pasasalamat at Paanyaya ni Jesus

25 Nang sandaling iyon, sinabi ni Jesus: O Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, pinasasalamatan kita sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino. Ngunit inihayag mo ang mga ito sa mga sanggol.

Read full chapter