Add parallel Print Page Options

15 Nang magkagayo'y nagsialis ang mga Fariseo, (A)at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita.

16 At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga (B)Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao.

17 Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis (C)kay Cesar, o hindi?

18 Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?

19 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.

20 At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?

21 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't (D)ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.

22 At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya'y iniwan, at nagsiyaon.

Read full chapter

20 At siya'y inaabangan nila, at (A)sila'y nangagsugo ng mga tiktik, na nangagpakunwaring mga matuwid, upang siya'y mahuli sa kaniyang salita, na siya'y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng (B)gobernador.

21 At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios.

22 Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi?

23 Datapuwa't napagkilala niya ang kanilang lalang, at sinabi sa kanila,

24 Pagpakitaan ninyo ako (C)ng isang denario. Kanino ang larawan at ang nasusulat dito? At sinabi nila, Kay Cesar.

25 At sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at ang sa Dios ang sa Dios.

26 At sila'y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan: at sila'y nanganggilalas sa kaniyang sagot, at hindi nangagsiimik.

Read full chapter