Add parallel Print Page Options

26 At (A)nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad,

27 Datapuwa't kinuha siya ni (B)Bernabe, at siya'y iniharap (C)sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus.

28 At siya'y kasamasama nila, na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem,

29 Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga (D)Greco-Judio; (E)datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.

30 At nang maalaman ito ng mga kapatid, ay inihatid nila siya sa (F)Cesarea, at siya'y sinugo nila (G)sa Tarso.

Read full chapter