
Mga Gawa 28 Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)Si Pablo sa Malta28 Nang kami'y ligtas na at nasa pampang, noon namin nalamang ang pulo ay tinatawag na Malta. 2 Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga katutubo roon. Dahil sa nagsimula nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at malugod kaming tinanggap. 3 Nagtipon naman si Pablo ng kahoy. At nang nailagay na niya ang mga iyon sa siga, lumabas ang isang ulupong nang mainitan, at pumulupot sa kanyang kamay. 4 Nang makita ng mga katutubo ang ulupong na nakabitin sa kanyang kamay, nasabi nila sa isa't isa, “Tiyak na mamamatay-tao ang taong ito. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman hinayaan ng Katarungan na siya'y mabuhay.” 5 Subalit ipinagpag ni Pablo ang ulupong sa apoy at hindi man lamang siya nasaktan. 6 Naghintay ang mga tao na mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay, at nakitang walang masamang nangyari sa kanya, nagbago ang kanilang isip at nagsabing siya'y isang diyos. 7 Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. 8 Nagkataong nakaratay ang ama ni Publio, nilalagnat at may disenteriya, kaya't pinuntahan siya ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. 9 Dahil sa pangyayaring ito, nagdatingan ang mga may karamdamang tagaroon, at pati sila'y gumaling. 10 Kami nama'y binigyan nila ng maraming parangal, at nang maglalayag na kami ay binigyan pa nila kami ng lahat ng aming kailangan sa paglalakbay. Mula sa Malta Patungong Roma11 Tatlong buwan kaming namalagi sa Malta bago kami naglayag sakay ng isang barkong nagpalipas din ng tagginaw sa pulo. Ang barkong ito na mula sa Alejandria ay may sagisag na “Kambal na Diyos.” 12 Dumaong kami sa Siracusa at tumigil doon ng tatlong araw. 13 Mula roo'y nagpatuloy kami at nakarating sa Regio. Kinabukasa'y umihip ang hanging habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli. 14 Doon ay may natagpuan kaming mga kapatid. Pinakiusapan nila kaming tumigil doon ng isang linggo. Mula roo'y ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay hanggang makarating kami sa Roma. 15 Nang mabalitaan ng mga kapatid doon ang tungkol sa amin, dumating sila mula pa sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan upang salubungin kami. Nang makita sila ni Pablo, siya'y nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang kanyang loob. Si Pablo sa Roma16 Nang makarating kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang manirahang mag-isa, kasama ang isang kawal na magbabantay sa kanya. 17 Pagkaraan ng tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ang mga pinuno ng mga Judio sa lungsod. Nang sila'y matipon na, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anuman laban sa ating bansa, o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at ibinigay sa mga kamay ng mga Romano. 18 Matapos akong siyasatin, palalayain na sana ako ng mga Romano, sapagkat wala namang sapat na dahilan upang ako'y parusahan ng kamatayan. 19 Subalit tumutol ang mga Judio, kaya't napilitan akong dumulog sa Emperador. Gayunma'y wala akong paratang laban sa aking mga kababayan. 20 Nakagapos ako sa tanikalang ito dahil sa pag-asa ng bansang Israel. Ito ang dahilan kung bakit ko hiniling na makipagkita at makipag-usap sa inyo.” 21 Sumagot sila, “Wala kaming natatanggap na sulat galing sa Judea tungkol sa iyo. At sa mga kababayan naman nating pumunta rito ay walang sinumang nagbalita o nagsalita ng anumang masama laban sa iyo. 22 Gayunma'y ibig naming mapakinggan ang iyong mga saloobin. Alam namin na saan mang lugar ay maraming nagsasalita ng laban sa sektang ito.” 23 Kaya't sila'y nagtalaga ng isang araw para sa kanya, at maraming nagtungo sa kanyang tinutuluyan pagsapit ng takdang araw na iyon. Mula umaga hanggang gabi ay nagpaliwanag at nagpatotoo sa kanila si Pablo tungkol sa paghahari ng Diyos. Sinikap niyang hikayatin sila tungkol kay Jesus mula sa isinasaad ng Kautusan ni Moises at ng mga propeta. 24 May ibang naniwala sa kanyang sinabi at may iba namang hindi. 25 At nang hindi sila magkaisa, umalis sila matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pahayag: “Tama ang sinabi ng Banal na Espiritu nang sabihin niya sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni propeta Isaias, 26 ‘Pumaroon ka sa sambayanang ito at sabihin mo, 28 Kaya nais kong sabihin sa inyo na ipinararating na sa mga Hentil ang kaligtasang ito mula sa Diyos, at pakikinggan nila ito!” 29 [Matapos niyang sabihin ang mga ito ay umalis na ang mga Judio at mahigpit na nagtalu-talo.][a] 30 Dalawang taóng nanirahan sa Roma si Pablo, sa bahay na kanyang inuupahan. Tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kanya. 31 Buong tapang at malaya niyang ipinangangaral ang mga bagay tungkol sa paghahari ng Diyos at itinuturo ang tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo. Footnotes:
Cross references:
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV) Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009. |
Starting your free trial of Bible Gateway Plus is easy. You’re already logged in with your Bible Gateway account. The next step is to choose a monthly or yearly subscription, and then enter your payment information. Your credit card won’t be charged until the trial period is over. You can cancel anytime during the trial period.
Click the button below to continue.
You’ve already claimed your free trial of Bible Gateway Plus. To subscribe at our regular subscription rate, click the button below.
It looks like you’re already subscribed to Bible Gateway Plus! To manage your subscription, visit your Bible Gateway account settings.
Upgrade, and get the most out of your new account. An integrated digital Bible study library - including complete notes from the NIV Study Bible and the NKJV MacArthur Study Bible, 2nd Edition - is just a step away! Try it free for 30 days.
Three easy steps to start your free trial subscription to Bible Gateway Plus.