Mga Bilang 23:19
Ang Biblia (1978)
19 (A)Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling,
Ni anak ng tao na magsisisi;
Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin?
O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
1 Samuel 15:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.
Read full chapter
1 Samuel 15:29
Ang Biblia (1978)
29 At ang Lakas ng Israel naman ay (A)hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagka't siya'y hindi isang tao na magsisisi.
Read full chapter
2 Samuel 24:16
Ang Biblia (1978)
16 At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi (A)ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi (B)sa anghel na (C)lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni (D)Arauna na Jebuseo.
Read full chapter
Joel 2:13
Ang Biblia (1978)
13 At (A)papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; (B)sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978