Add parallel Print Page Options

32 Ipinangangaral namin sa inyo ang mabuting balita ng pangako ng Diyos sa ating mga ninuno,

33 na(A) ang mga bagay na ito ay tinupad din niya sa atin na kanilang mga anak, nang kanyang muling buhayin si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit,

    ‘Ikaw ay aking Anak,
    sa araw na ito ay naging anak kita.’

34 (B) Tungkol sa pagkabuhay niya mula sa mga patay, upang hindi na magbalik sa kabulukan, ay ganito ang sinabi niya,

    ‘Ibibigay ko sa iyo ang banal at mga maaasahang pangako kay David.’

Read full chapter