Mga Gawa 13:46
Ang Biblia (1978)
46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang (A)salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang (B)inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, (C)kami ay pasasa mga Gentil.
Read full chapter
Mga Gawa 15:7
Ang Biblia (1978)
7 At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila,
(A)Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.
Read full chapter
Mga Gawa 18:6
Ang Biblia (1978)
6 At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, (A)ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: (B)buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil.
Read full chapter
Mga Gawa 28:28
Ang Biblia (1978)
28 Maging hayag nawa sa inyo, na ang (A)kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala (B)sa mga Gentil: sila'y makikinig[a]naman.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 28:28 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 29 At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nangagtatalong mainam.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978