Mga Gawa 15:4
Ang Biblia (1978)
4 At nang sila'y magsidating sa Jerusalem, ay (A)tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, (B)at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila.
Read full chapter
Mga Gawa 15:6
Ang Biblia (1978)
6 At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito.
Read full chapter
Mga Gawa 15:22-23
Ang Biblia (1978)
22 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng (A)matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si (B)Silas na mga nangungulo sa (C)mga kapatid:
23 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia (D)at Siria at Cilicia, ay bumabati:
Read full chapter
Mga Gawa 11:30
Ang Biblia (1978)
30 Na siya nga nilang ginawa, na ipinadala nila (A)sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978