Add parallel Print Page Options

Ang Kapangyarihan ng Ebanghelyo

16 Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo; (A) sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griyego. 17 Sapagkat (B) sa ebanghelyo ipinapahayag ang katuwiran ng Diyos, kung paano maging matuwid sa kanyang harapan. At ito, buhat sa simula hanggang sa wakas, ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Gaya ng nasusulat, “Sa pamamagitan ng pananampalataya, mabubuhay ang matuwid.[a]

Nagkasala ang Sangkatauhan

18 Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kasamaan at kalikuan ng mga taong sumisikil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 1:17 Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.