Add parallel Print Page Options

At kayong mga mananampalataya riyan sa Roma ay kabilang din sa kanyang mga tinawag na maging tagasunod ni Jesu-Cristo.

Sa inyong lahat diyan sa Roma na minamahal ng Dios at tinawag na maging banal,[a] sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Dahilan ng Pagpunta ni Pablo sa Roma

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, dahil balitang-balita ang inyong pananampalataya sa buong mundo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:7 banal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.