Add parallel Print Page Options

22 Dahil sa mga bagay na ito, ako ay madalas mahadlangan sa pagpunta sa inyo.

Ang Balak na Pagdalaw ni Pablo sa Roma

23 Sa ngayon wala na akong kalalagyan sa mga lalawigang ito. Maraming taon na rin akong nananabik na pumunta sa inyo.

24 Kapag ako ay makapunta sa Espanya, pupunta ako sa inyo sapagkat inaasahan kong makita kayo sa aking paglalakbay at matulungan ninyo ako sa patuloy kong paglalakbay. Ito ay pagkatapos na magkaroon ako ng kasiyahan sa ating pagsasama-sama.

Read full chapter