Add parallel Print Page Options

17 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila.

18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

19 Sapagka't ang inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.

Read full chapter