Add parallel Print Page Options

Katanungan tungkol sa Muling Pagkabuhay(A)

23 Nang (B) araw ding iyon ay lumapit kay Jesus (C) ang mga Saduceo. Sa paniniwala nilang walang muling pagkabuhay, 24 sinabi nila, “Guro, sinabi ni Moises, ‘Kung mamatay ang isang lalaking walang anak, dapat pakasalan ng kanyang kapatid na lalaki ang kanyang asawa, at magkaroon ng mga anak para sa kanyang kapatid na lalaki.’ 25 ‘Mayroon sa aming pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at siya'y namatay. At dahil hindi siya nagkaroon ng anak ay naiwan niya ang kanyang asawa sa kanyang kapatid na lalaki. 26 Ganoon din ang nangyari sa ikalawa at sa ikatlo, hanggang sa ikapito. 27 At pagkamatay nilang lahat, namatay ang babae. 28 Sa muling pagkabuhay, sino kaya sa pito ang magiging asawa ng babae, gayong siya'y naging asawa nilang lahat?” 29 Sumagot si Jesus sa kanila, “Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo nauunawaan ang mga Kasulatan, o ang kapangyarihan ng Diyos. 30 Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao ay hindi na mag-aasawa o pag-aasawahin pa kundi sila'y magiging katulad ng mga anghel sa langit. 31 At tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi pa ba ninyo nababasa ang sinabi sa inyo ng Diyos? Sabi niya, 32 ‘Ako (D) ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.’ Siya ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy.” 33 Nang marinig ito ng maraming tao, sila'y namangha sa kanyang itinuturo.

Read full chapter

Ang Muling Pagkabuhay ng mga Patay(A)

27 Lumapit kay Jesus ang ilang Saduceo, ang mga hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Siya'y kanilang tinanong, 28 na nagsasabi, “Guro, isinulat sa atin ni Moises na kung namatay ang lalaking kapatid ng isang lalaki, at ang asawa nito'y naiwang walang anak, dapat na pakasalan ng lalaking naiwan ang asawa nito upang mabigyan ng anak ang kanyang namatay na kapatid. 29 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. 30 Ang ikalawa 31 at ang ikatlo hanggang ikapito ay pinakasalan ang balo ngunit lahat ay namatay na walang iniwang anak. 32 Sa huli ay namatay na rin ang babae. 33 Sa muling pagkabuhay, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? Sapagkat ang pito ay naging asawa niya.” 34 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang mga tao sa kapanahunang ito ay nag-aasawa o pinag-aasawa. 35 Subalit ang mga karapat-dapat makabahagi sa kapanahunang iyon at sa muling pagkabuhay ay hindi mag-aasawa at pag-aasawahin. 36 Hindi na sila mamamatay, sapagkat para na silang mga anghel. Sila ay mga anak na ng Diyos at mga bunga ng muling pagkabuhay. 37 Ang muling pagkabuhay ng mga patay ay pinatunayan mismo ni Moises, sa kwento tungkol sa nagliliyab na mababang puno, nang tawagin niya ang Panginoon na ‘Diyos ni Abraham, at Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ 38 Siya ay Diyos hindi ng mga patay kundi ng mga buháy sapagkat nabubuhay ang lahat sa kanya.” 39 Ilan sa mga tagapagturo ng Kautusan ang nagsabi, “Guro, magaling ang iyong isinagot.” 40 Kaya, hindi na sila nangahas magtanong pa sa kanya ng kahit ano.

Read full chapter