Add parallel Print Page Options

Nagtanong si Jesus tungkol sa Anak ni David(A)

41 Habang nagkakatipon ang ilang mga Fariseo ay nagtanong sa kanila si Jesus. 42 Sabi niya, “Ano ang palagay ninyo tungkol sa Cristo? Kanino ba siyang anak?” Sumagot sila, “Kay David.” 43 Sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y bakit noong si David ay nasa Espiritu ay tumatawag sa kanya ng Panginoon, na nagsasabi,

44 ‘Sinabi (B) ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang sa mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway” ’?

45 Kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siya magiging anak nito?” 46 Walang nakasagot sa kanya ni isa mang salita, at mula nang araw na iyon ay wala na ring nangahas pang magtanong sa kanya ng anuman.

Read full chapter

41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni (A)Jesus ng isang tanong,

42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, (B)kay David.

43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,

44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
(C)Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?

45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?

46 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, (D)ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.

Read full chapter

Ang Tanong tungkol sa Anak ni David(A)

41 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Paano nila nasasabing ang Cristo ay anak ni David? 42 Gayong si David mismo ang nagsabi sa Aklat ng mga Awit,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
“Maupo ka sa aking kanan,
43     hanggang sa magawa kong tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.” ’

44 Tinawag siya ni David na Panginoon. Paano siya naging anak ni David?”

Read full chapter

41 (A)At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?

42 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit,

(B)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa aking kanan,
43 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.

44 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?

Read full chapter